AiAi De Las Alas on MAGPAKAILANMAN



Matutunghayan sa isang natatanging pagganap sa kauna-kaunahan niyang drama guesting sa GMA 7 ang tinaguriang 'Philippine Comedy Queen', Ms. AiAi De Las Alas. Siya ay mapapanood sa darating na Sabado ng gabi, May 16  sa drama series na "Magpaikailanman" kung saan ang batikang broadcaster na si Ms. Mel Tiangco ang tagapagsalaysay. Ito ay pagkatapos ng Pepito Manaloto.


Gagampanan ni AiAi ang isang babaeng iniwan at ipinagpalit ng kanyang asawa sa isang kasambahay. Sa pagtataguyod na mag-isa ni Leda (AiAi) sa kanyang mga anak ay siya namang pagpasok sa buhay nilang mag-iina ang anak sa labas ng kanyang dating asawa na yumao na. Matatanggap kaya niya at ng kanyang mga anak ang isang taong bunga ng pagtataksil at naging dahilan kung bakit nawalan ng haligi ang kanilang tahanan? Kaabang- abang talaga ang episode dahil ito ay base sa isang tunay na pangyayari. 


Isang kakaibang AiAi ang ating matutunghay sa nasabing drama episode dahil sanay ang mga tao na mapatawa ng Comedy Queen. Nakakapanabik na paiiyakin naman niya tayo sa "Magpakialanman'.




Makakasama ni AiAi De Las Alas sa nasabing episode sina Jay Manalo, Ana Capri, Sancho De Las Alas, Mel Kimura, Renz Valerio, Rhen Escano, Coleeen Perez, Vince Velasco, Jinkee Magan at marami pang iba. Ang episode ay pinamagatang "Mga Anak Ng Aking Asawa" sa ilalim ng direksyon  ni Direk / Actress Gina Alajar na siya rin mismong director ng  nangungunang Primetime series ni AiAi De Las Alas sa Kapuso Network ang "Let The Love Begin" na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 'PariKoy'. 


Maliban sa mga sunod-sunod na shows ni AiAi De Las Alas sa pagbabalik nya sa kanyang tahanan ay ang pagiging abala niya sa darating niyang Thanks Giving Concert na pinamagatang "Ai am who Ai am" na gaganapin din mismo sa Sabado, May 16 - alas 8 ng gabi sa Skydome, SM North. Ito ay handog ng komedyana sa kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. Super blessed naman talaga si AiAi dahil bukod sa ganda ng takbo ng kanyang career ay biniyayaan siya ng mga mabubuting anak. At siyempre, ang bago nyang inspirasyon sa buhay kung kaya't pursigido siya lalo na magtrabaho ng husto.



Asahan na maraming pasabog ang darating na thanksgiving concert dahil sa mga surprised guests at piling awitin na tunay niyang pinaghandaan para magustuhan ng kanyang mga taga-hanga.  Pakakaabangan din ng kanyang mga taga-suporta ang mga darating niyang shows sa abroad. Isa na dito ang "Kapusong Pinoy - sa Vancouver", a GMA Pinoy TV Concert. Makakasama niyang magbigay kasiyahan sa ating mga kababayan sa Vancouver, Canada sina Christian Bautista, Jonalyn Viray, Alden Richards at Betong. Bisitahin at sundan lang ang mga social media account ng Comedy Queen para sa iba pang detalye! 




Website: www.aiaidelasalas.com
Facebook: https://www.facebook.com/AiaiOfficial 
Instagram: https://instagram.com/msaiaidelasalas
Twitter:       @AiAiyistas






 Para sa iba pang detalye,
https://twitter.com/gmanews
https://www.facebook.com/GMAMagpakailanman
http://www.twitter.com/Magpakailanman7




*Photo Credits: Magpakailanman Facebook page

Comments

Popular posts from this blog

Color Game Jackpot: A Lone Winner Takes Home 303 Million Pesos

Create waves of positive change with SM at the 2024 International Coastal Clean-Up

Media Forum Dissects: Diabetes, Obesity, and the Sweetened Beverage Tax